Posts

Showing posts from November, 2022

Praymer Hinggil sa HB 407

Q: Ano ang HB 407? ‣ Ang pangalan nito ay "Batas na poprotektahan ang karapatan ng lahat ng manggagawa, organisasyon sa paggawa, at unyon laban sa panghihimasok ng amo, pampublikong otoridad, at mga ahente nila, at mga parusa sa lalabag dito."   Q: Bakit kailangan ang HB 407? ‣ Simula't sapul nang maluklok si dating Pangulong Duterte, 56 na ang bilang ng mga unyonistang pinaslang, lalo na noong "Bloody Sunday Massacre" sa Timog Katagalugan. ‣ Pinaigting din niya ang pang-haharas sa mga unyonista, lalo na sa Nexperia, Wyeth, Optodev, at marami pang iba, lalo na ng AFP, PNP, at NTF-ELCAC.     Q: Ano ang unyon? Anumang organisayon, unyon, o grupo ng empleyado, pederasyon, o pambansang unyong at kanyang mga pangkat, sa pampubliko o pambribadong sektor. Kasama rin dito ang mga ambulante, minsanang may trabaho, sarili ang amo, nagtatrabaho sa kanayunan, at mga walang tiyak na amo. Ang layunin ay para sa sama-samang pakikipagkasundo, pakikipagtulungan, pakikipagtaguyod...