𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐝𝐢𝐫𝐢𝐠𝐦𝐚, 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢!

"Martir" ang opisyal na tawag ng Human Rights Violations Memorial Committee (itinatag ng Republic Act No. 10368) sa iilang mga kasapi ng New People's Army na nasawi sa piling ng mga manggagawa at magsasaka. Sina Edgar Jopson, Nilo Valerio, Angelina Sayat, Soledad Salvador, Jerusalino Araos, Resteta Fernandez, Lorena Barros,—ibig sabihi'y pinararangalan ang kanilang prinsipyo at paninindigan sa kanilang armadong pakikibaka kontra sa diktadurang US-Marcos. 

Ang National Historical Commission, sa isang bideyo sa kanilang Martial Law series sa kanilang YouTube page, ay kinikilala ang patriyotismo iba pang kasamang lumaban kontra sa diktadurang US-Marcos: si Constantino Medina, Floro Balce (miyembro ng Kabataang Makabayan), at Joji Paduano (editor ng Daba-Daba, diyaryo ng CPP sa Panay). Hindi lang "martir" ang tawag sa kanila, kundi rin mga “dakilang lumalaban, inalay ang buhay para sa ating karapatan.” 

𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐭𝐢𝐫 kung 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐰𝐢𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐧𝐝𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐢𝐧𝐢𝐥𝐢 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 sanhi 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐢𝐥𝐚, 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐬𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐦𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐛𝐚𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚-𝐝𝐞𝐦𝐨𝐤𝐫𝐚𝐭𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐝𝐡𝐢𝐤𝐚𝐢𝐧? 

Naka-cite din sa Official Gazette ang quote na ito: “No history of youth activism in the country can be written without making accreditation to the contribution of the [Kabataang Makabayan] (the youth arm of the NDFP) in the national democratic movement. This is so because the KM has consistently stood for national-democratic ideals and militantly pursued them through democratic mass actions.” 

Ngunit hindi mga komunista ang bumubuo sa NHCP o HRVVMemCommm, at lalo na sa Offical Gazette. Yung iba diya, dilawan (na ayaw rin ng mga Komunista), kilalang mga politiko (tulad ni Sen. Legarda na kontra sa pag-tag na “terorista” kay Prof. Sison), o kaya't akademikong kahit kailan ay hindi humawak ng baril. 

Huwag din kalimutan na ang iilan nating pambansang alagad ng sining, tulad ni Amado Hernandez at Bien Lumbera, at maski mismong lumahok sa pag-gawa ("framers") ng 1987 Constitution, tulad ni Jaime Tadeo at Lino Brocka, ay naging parte ng mga progresibong kilusan. Si Ka Amado pa nga ay hinuli at kinasuhan ng rebelyon. Si Ka Bien ay dating chair ng ACT-Teachers, na kasalukuyang nirered-tag ng mga kumag sa gobyernong korap at mamamatay-tao. Si Ka Jimmy ay head ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at si Kas. Brocka naman ay nagtatag ng Concerned Artists of the Philippines. Bilang National Artist, nakalibing sila sa Libingan ng Mga Bayani. 

Ani Justice Reynato Puno (na tagapagsalita noong NUPL Founding Congress noong 2007) sa desisyon sa Bisig ng Manggagawa sa Concrete Aggregates v. NLRC: “Sa 14 na taong paglaban kontra sa Batas Militar ay nagkaroon ng maraming martir, nangunguna doon ay mga radikal sa kilusang paggawa.” 

Bakit maski ang gobyerno ay kinikilala ang ambag ng mga aktibista at miyembro ng NPA? Dahil kahit tunggali ang ideyolohiya ng dalawa, ay alam ng gobyerno na sa pagiging-makabayan nanggagaling ang hindi nagagaping diwa ng mga kumikilos sa ilaliim ng pambansa-demokratikong adhikain. Puwede nila i-demonize si Mao, Stalin, at Marx, ngunit hindi lang naman sila (at siyempre, ang pagkakamali nila) ang inaaral ng mga aktibista kundi rin sina Renato Constantino, Jose Rizal, at marami pang ibang Pilipinong nagmamahal sa bayan. 

Kaya't kahit anong gawin ng reaksyunaryo, kahit ired-tag pa lahat ng ahente ng gobyerno, ipasara ang mga alternatibong balita, at maging pumaslang pa ng iilang aktibista, manggagawa, abugado at magsasaka, tuloy pa rin ang laban ng sambayanang Pilipino, dahil sa pag-aalab ng diwang makamasa at makabayan. 

Mga Sanggunian: 

1.  https://hrvvmemcom.gov.ph/the-life-and-death-of-edgar.../ 

2.  https://hrvvmemcom.gov.ph/nilo-valerio-man-of-the-cloth.../ 

3.  https://hrvvmemcom.gov.ph/angelina-sayat/ 

4.  https://hrvvmemcom.gov.ph/soledad-salvador/ 

5.  https://hrvvmemcom.gov.ph/jerusalino-araos-2/ 

6.  https://hrvvmemcom.gov.ph/resteta-fernandez/ 

7.  https://www.youtube.com/watch?v=IhXzTmItqKY 

8.  https://www.officialgazette.gov.ph/.../the-ph-protest.../ 

9.  Aklat ng Bayan . (2011). Jose Ma. Sison: A Celebration . Quezon City: Aklat ng Bayan

10.  G.R. No. 105090. September 16, 1993 

11. https://www.officialgazette.gov.ph/the-order-of-national.../

 

Comments

Popular posts from this blog

Primer Regarding BP 880

Wage, Price, and Profit in the Philippines

Simple and Expanded Reproduction (Ben Fine Diagram)